Yung "PARANG KAYO PERO HINDI" stage. others call it M.U Or mutual Understanding. PSEUDO-BF/GF , FLINGS . ALMOST LIKE A RELATIONSHIP,BUT NOT QUITE. It is a phase where the person involved are MORE THAN FRIENDS,BUT NOT QUITE LOVERS. Pwedeng may verbal agreement,pwedeng wala. One or both of you may have admitted your feelings,posible ding hindi. You just let your gestures do the talking for you. Walang pormal na ligawan na nangyari. Hindi kayo "ON" pero sa kilos nyo,sa mga sinasabi nyo PARANG KAYO.. PERO HINDI.
This kind of "relationship" happens at different stage for different reasons. Pwedeng after a break-up. Yung bang you still love each other & you still want to be together pero wala ng commitment. It can also happen before the relationship. Yung bang pareho kayong nakikiramdam. Posible ding na ayaw nyo munang mag seryoso kaya joke-joke lang,TESTING lang kung baga o kaya naman hindi pwedeng maging kayo kasi yung isa sa inyo may jowa kaya wait lang muna hanggang sa mag break sila. Wala muna kayong relasyon para nga naman hindi matawag na nangangaliwa ka o siya kasi "HINDI NAMAN KAYO".
This Pseudo-Relationship stage for a time can be fun. Lalo na kung naghahanap ka lang ng "KALARO". Pero wag kang mag e-expect na may patutunguhan kayo kasi wala naman talagang KASIGURADUHAN.
So, bakit madaming nag se-settle sa ganitong set up ganoong hindi naman sgurado kung may patutunguhan? Iba't ibang dahilan. Pwedeng for fun lang. Pwedeng "BUTI NA YAN KESA WALA" "PANTAWID GUTOM" kumbaga. Pero kahit na joke joke lang the Emotions are real.
THE CONSEQUENCES?
-Una, you can't ask them to COMMIT. Since hindi ito totoong relasyon. Di ka pwedeng mag demand. Di ka pwedeng mag expect na lagi silang anjan for you, at kapag inatake ka ng SELOS. Aba aba, Wiz Khalifa pwede yun kasi nga HINDI KAYO. Bakit, ANO KA BA NIYA?
-Pangalawa, What if.. na IN-LOVE ka? Di ka makakasigurado kung parehas ba kayo ng nararamdaman. Bka mag assume ka lang na ganun din sya sa'yo.
Isa pang downside ng Pseudo-Relationships; It is FLEETING. When a disagreement sets in or when one of you gets cold ( Try mo bigyan ng Jacket) then that would be the end of it. Unlike sa serious relationship,hindi mo alam kung saan ka lulugar kasi wala ka ngang PINANGHAHAWAKAN. There is NO "US" meron lang "YOU & ME", Hindi "US".
Buti sana kung pseudo-pain lang din ang mararanasan mo. Kaso hindi eh. REAL PAIN. Yung bumabaon. Yung MASAKIT TALAGA!
Hirap diba? You agreed into this kind of set up for fun then you'd end up hurting yourself.
Ihanda mo na lang ang sarili mo sa consequences. Dahil ang "PARANG KAYO PERO HINDI" stage ay bihirang nagiging "TOTOO". Usually, hanggang doon lang siya.. ALMOST,BUT NOT QUITE.
No comments:
Post a Comment