Note ni Inah 'to sa Tumblr. Natuwa ako sa mga pinagsasabi nila ni Kimberly Villanueva!
Parang LOVE..
feb. 27 ‘11.
Ang day na puno ng PARANG LOVE. lines ni KIMBERLY ANN GUINTO VILLANUEVA.
Minsan talaga nakakabaliw pero lahat ng sinabi nya TOTOO. kahit tawa ako ng tawa.
Pag labas pa lang ng gate 4 ng FEU.
Tignan mo yang t-shirt ni ate, parang love. Pinipilit kahit di kasya *:))*
Tignan mo yung pulubi, parang love. Kaya naman niyang magtrabaho pero di nya ginagawa dahil jan nya naranasan ang unang sarap *hanu daww:))*
Tignan mo yung dibdib ko, parang love ko kay shervin. Kahit kelan di na lalago *:)))*
(Pinuntahan ang paborito nyang mais pero wala)
Tignan mo ‘tong mais, parang love. Bigla na lang mawawala di nagpapaalam *true:))*
(Nakakita ng coke sign)
Tignan mo ‘tong coke, parang love. Masarap pero pag nalaman mo yung mga bad effects na ginagawa niyan sa katawan mo.
(Napansin ko si kuyang Mais at pinahinto namin siya)
K: kuya saan ka ba talaga naka-pwesto?
kuya: doon
k: eh san ka galing?
kuya: nawalan lang ako ng gas
SABAY: parang love! *=)))*
Tignan mo yang aso, parang love. Nakakulong. Pero di niya maiwan yung amo niya kasi mahal na mahal niya yon.
(Muntik ng mahagip ng motorcycle :)) )
Tignan mo ‘to, parang love. Padalos dalos! Pano nalang pag napatay niya ako? edi hindi na ako nakapagmahal! (my favorite :))*
(Maghihiwalay na ng sasakyang jeep)
Ingat :). Parang sa love. Pag iniwan ka, ingat at bye nalang ang kaya mong sabihin.
At hindi pa talaga siya nag paawat at nagpahabol pang text na:
Sana yung love parang pag PARA sa jeep. pag sinabi mong ayaw mo na,titigil agad. Tapos na. O kaya pwede ka magbayad at huwag bumaba hanggang gusto mo. Para bang the times you pay, the longer you’ll stay. Yun bang kaht roadtrip at paikot-ikot basta masaya ka anja lang siya.
At ang reply kong:
Ingat ka din :) at manahimik kana, parang love. :))
But nag-stop yung sinasakyan ko para magpa-gas. Funny pero tinext ko si kimberly agad.
—KIMBERLY! Tignan mo ‘tong gasolina, parang love. Laging NAGMAMAHAL. *=))*
No comments:
Post a Comment